Sunday, April 02, 2006

sunday afternoon

another lazy sunday afternoon. buti na lang at tumigil na ang ulan...

Tuesday, March 28, 2006

tulaan 2

Slow-Mo

Pansamantalang huminto ang mundo,
nang ika’y mawala.
Ang dating maingay,
nanahimik bigla.
Ang mga magugulo,
umayos nang bahagya.

Sino’ng mag-aakala?
Wala.

Bumagal ang dati’y mabilis.
Naubos ang dati’y labis-labis.
Nalilito sa dami ng gagawin,
‘di naman makapag-umpisa.
Tumangging maging bahagi,
sa buhay ng iba.

At nanatili akong tanga…

Ngunit ito’y pansamantala lamang.
Tuloy ang ikot ng buhay,
mawala ka man.

Sunday, March 26, 2006

guess who's back

(whew, pano na nga ba uli to?)

halu, i'm back! after a long hiatus (tama ba spelling ko?) after a long break na nga lang, eto uli ako...

daming bago! bagong mga balita, bagong kwento, bagong gadgets, bagong magic cards, bagong brief. dami ding naluma. ako in particular, tumanda na naman ng isang taon. oh well, age is just a number. ganan talaga sinasabi ng mga nasa 25-30 na ang edad. :) nyahaha...

anyway, highway, all the way, subukan ko uli mapadalas mag-blog. masaya din naman kasi mag-sulat ng kung anu-ano. time consuming nga lang, pero masaya.

brader normand, kita-kits na lang uli...

Thursday, October 13, 2005

basket pains

siyet, sakit ng katawan ko after playing basketball for two straight mornings. di ko na ata kaya. pero i thought, 'where would i get my exercise?'. lalo na't unti-unti nang lumalaki ang aking tiyan. pero alam ko di naman ako buntis. hehe...

am i getting too old for basketball? nah. si reggie miller nga 18 seasons tumagal kaka-basketbol e, ako pa kaya? ;)

Tuesday, October 11, 2005

tulaan 1

Ritwal ng Pamamaalam

Ang ulo’y bahagyang iyuko,
Habang naglalakad papalayo.
Pero ‘wag masyadong mabilis,
Dahan-dahan lang.
Para dramatic tingnan.

‘Pag nakalayo ka na ng kaunti,
Huminto ka muna sandali.
Mga three seconds at least.
Then, unti-unting iangat ang ulo,
Sabay tingin sa malayo.

Tapos, lingon ka ng very slowly,
‘Wag sa kanan, sa kaliwang bahagi.
Ngiti ka na rin siguro.
Para alam niyang masaya ka,
Hanggang sa huli n’yong pagkikita.

After mong makapagnilay-nilay,
Itaas mo na ang ‘yong kanang kamay,
Ibuka ang fist,
Saka kumaway.
Then, say goodbye.

Babay.

Tuesday, October 04, 2005

welcome to ravnica

woohoo! labas na ang latest expansion ng magic the gathering, ang ravnica, this october 7. and from what i gathered sa kanilang spoiler lists, mukhang back to glory days na naman ang magic (this after the not so well-recieved kamigawa block). ravnica has 10 "guilds", tribes if you may, of 2 colors combined. we have four of them on this set: selesnya (green-white), boros (red-white), dimir (blue-black) and golgari (black-green). the other 6 will be on the next two expansions. each guild has a specialty, deck manipulation, for instance for guild dimir.
here's a card i am considering to be on my next deck. pero antay pa din ako sa blue-white guild, me being a blue defensive mage... :)

Monday, October 03, 2005

jhody victoria

pips, meet jhody victoria, ang cute na cute na baby girl nina jho at cindy. pang-telenovela ang pangalan di ba? :) taken during her 1st month birthday...

gising na gising!

ayan, natulog na...