Wednesday, September 21, 2005

cricket anyone?

hindi naman sa pagbubuhat ng sariling silya (na medyo mabigat) , sporty ako. marunong akong magbasketball, volleyball, table tennis, bilyar, pati magic at tong-its hanggang patintero, luksong baka at holen. pero me mga isports pa din na wala akong clue kung pano laruin. i-top three ko nga:

3. football - di ko alam ang rules kaya pag napapanuod ako sa TV, inaabangan ko na lang na may maka-touchdown. yun plus the fact na payatot ako, so hindi talaga pwede.

2. golf - pinaka-boring na sports. ever. (peace tayo golf fanatics!) ang lawak-lawak ng playing area, ang liit-liit ng butas. tsk, tsk... impatience is not a virtue.

1. cricket - eto talaga wala ako ni isang clue ng rules at scoring. mukha lang siyang baseball na may kina-crack na tabla ng kahoy sa likod nung batter. and the outfits! que horror! hehe...

4 Comments:

At 5:44 PM, Blogger Ramil said...

Sama mo na rin rugby. hehe..

 
At 3:29 PM, Blogger pektusman said...

oo nga pala. ignoramus din ako pagdating sa rugby... :)

 
At 5:57 PM, Blogger olrayt said...

kurek rugby. tsaka yung bilyar na malaking mesa. tsaka yung nagbobowling ng parang panlinis ng vinyl records tapos may nagwawalis sa dinadaanan nung... ang gulo men.

may nba live 06 na. bad trip di pumasa tong pc ko :(

 
At 8:37 PM, Blogger pektusman said...

tama, yung bilyar na madaming kulay pula, snooker ata yun.

ye, live na uli!!! :)

 

Post a Comment

<< Home