tulaan 2
Slow-Mo
Pansamantalang huminto ang mundo,
nang ika’y mawala.
Ang dating maingay,
nanahimik bigla.
Ang mga magugulo,
umayos nang bahagya.
Sino’ng mag-aakala?
Wala.
Bumagal ang dati’y mabilis.
Naubos ang dati’y labis-labis.
Nalilito sa dami ng gagawin,
‘di naman makapag-umpisa.
Tumangging maging bahagi,
sa buhay ng iba.
At nanatili akong tanga…
Ngunit ito’y pansamantala lamang.
Tuloy ang ikot ng buhay,
mawala ka man.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home